Saturday, July 31, 2010

I love you Mommy, but you never Love me... :( "If you are against in abortion please share it"

copy and paste from facebook..

Hi, Mommy. I'm your baby. You don't know me yet, I'm only a few weeks old. You're going to find out about me soon, though, I promise. Let me tell you some things about me. My name is John, and I've got beautiful brown eyes and black hair. Well, I don't have it yet, but I will when I'm born. I'm going to be your only child, and you'll call me your one and only. I'm going to grow up without a daddy mostly, but we have each other. We'll help each other, and love each other. I want to be a doctor when I grow up.

You found out about me today, Mommy! You were so excited, you couldn't wait to tell everyone. All you could do all day was smile, and life was perfect. You have a beautiful smile, Mommy. It will be the first face I will see in my life, and it will be the best thing I see in my life. I know it already.

Today was the day you told Daddy. You were so excited to tell him about me! ...He wasn't happy, Mommy. He kind of got angry. I don't think that you noticed, but he did. He started to talk about something called wedlock, and money, and bills, and stuff I don't think I understand yet. You were still happy, though, so it was okay. Then he did something scary, Mommy. He hit you. I could feel you fall backward, and your hands flying up to protect me. I was okay... but I was very sad for you. You were crying then, Mommy. That's a sound I don't like. It doesn't make me feel good. It made me cry, too. He said sorry after, and he hugged you again. You forgave him, Mommy, but I'm not sure if I do. It wasn't right. You say he loves you... why would he hurt you? I don't like it, Mommy.

Finally, you can see me! Your stomach is a little bit bigger, and you're so proud of me! You went out with your mommy to buy new clothes, and you were so so so happy. You sing to me, too. You have the most beautiful voice in the whole wide world. When you sing is when I'm happiest. And you talk to me, and I feel safe. So safe. You just wait and see, Mommy. When I am born I will be perfect just for you. I will make you proud, and I will love you with all of my heart.

I can move my hands and feet now, Mommy. I do it because you put your hands on your belly to feel me, and I giggle. You giggle, too. I love you, Mommy.

Daddy came to see you today, Mommy. I got really scared. He was acting funny and he wasn't talking right. He said he didn't want you. I don't know why, but that's what he said. And he hit you again. I got angry, Mommy. When I grow up I promise I won't let you get hurt! I promise to protect you. Daddy is bad. I don't care if you think that he is a good person, I think he's bad. But he hit you, and he said he didn't want us. He doesn't like me. Why doesn't he like me, Mommy?

You didn't talk to me tonight, Mommy. Is everything okay?

It's been three days since you saw Daddy. You haven't talked to me or touched me or anything since that. Don't you still love me, Mommy? I still love you. I think you feel sad. The only time I feel you is when you sleep. You sleep funny, kind of curled up on your side. And you hug me with your arms, and I feel safe and warm again. Why don't you do that when you're awake, any more?

I'm 21 weeks old today, Mommy. Aren't you proud of me? We're going somewhere today, and it's somewhere new. I'm excited. It looks like a hospital, too. I want to be a doctor when I grow up, Mommy. Did I tell you that? I hope you're as excited as I am. I can't wait.

...Mommy, I'm getting scared. Your heart is still beating, but I don't know what you are thinking. The doctor is talking to you. I think something's going to happen soon. I'm really, really, really scared, Mommy. Please tell me you love me. Then I will feel safe again. I love you!

Mommy, what are they doing to me!? It hurts! Please make them stop! It feels bad! Please, Mommy, please please help me! Make them stop!

Don't worry Mommy, I'm safe. I'm in heaven with the angels now. They told me what you did, and they said it's called an abortion.

Why, Mommy? Why did you do it? Don't you love me any more? Why did you get rid of me? I'm really, really, really sorry if I did something wrong, Mommy. I love you, Mommy! I love you with all of my heart. Why don't you love me? What did I do to deserve what they did to me? I want to live, Mommy! Please! It really, really hurts to see you not care about me, and not talk to me. Didn't I love you enough? Please say you'll keep me, Mommy! I want to live smile and watch the clouds and see your face and grow up and be a doctor. I don't want to be here, I want you to love me again! I'm really really really sorry if I did something wrong. I love you!


I love you, Mommy.

Every abortion is just…

One more heart that was stopped.
Two more eyes that will never see.
Two more hands that will never touch.
Two more legs that will never run.
One more mouth that will never speak.

If you’re against abortion, reblog.

Sunday, July 4, 2010

dear diary...

Dear diary…

Hi. Kamusta ka na?ako ok naman.. umaga na akong natulog mga mag 4am siguro.. tpos maaga din akong nagising,..5:45am…nakakahilo..hahah paraa naidlip lang ako nun ahh..hahah kakainis kun di lang dahil banal yung rason ng pag gising ko malamang na maghapon akong sinumpong… gising daw kame ng maaga kase tagalog mass.. awts.. ano pagkakaiba? Ehhh tagalong o English di ko naiintindihan kase mahina yung boses nung pari tpos islang pa..hahah at ano ineexpect ko?magtatagalog sya sa mass??hahah pag gising ko hindi na ako naligo, toothbrush, hilamos at nagbasa nalang ako ng buhok para mukang naligo.hahah ang lamig kaya saka ayaw kong maging dahilan ng pagkalate naming lahat..may mga katayuan yung mga kasama ko sa simbahan..dapat maaga at present sila lagi..heheh

6:45 nasa simbahan na kame diary…ayun naabutan pa naming yung nagrorosaryo..badtrip.. kung kelan ko hindi dala yung rosary ko saka naman ako may naaabutan na nagnonovina..pag naman dala ko saka walang nag aabalang magrosaryo..tsk..so… natpos ang rosary..yeah.. umpisa na ng misa..awts.. nasira nanaman ang araw ko nung marinig ko ang mga choir na kumanta…grrrrr nakakasira ng umaga.. nakakairita.. nakapikit nga ako pero yung kilay ko gusting lumipad sa sobrang pagtataas at pagkairita ko sa choir..banas.. ala sa tono, hindi sabay sabay.. pati lider na kumukumpas nakakairita yung itsura…grrr.. oo pintasera talaga ako diary..sorry..maganda kase ako.hahah (ang kumontra, mapapaloob sa isang mabigat na sumpa) bawat rinig ko ng piano,napapapikit nalang ako at nagdadasal… “sorry po kung hanggang dito sa bahay nyo nakukuha kong mamintas.sana po magkasabay sabay naman sila ng kanta, ang dami pong tao, nakakahiya, hinadi kame nafofocus sa pakikipag usap sa inyo.” Yan ang dinadasal ko twing kakanta sila..hahah feeling ko dumadaloy ang dugo galling sa ilong ko..hahah pakiramdam ko na mauubusan ako ng dugo dahil sa kanta nila..hahah  bute nalang at nalilibang ako sa pari na pinipilit magtagalog..heheh para syang nagbabasa ng txt ng isang jejemon..heheh ang cute.. pero atlist trinatry nya..heheh nakakatawa. Ang cute..:) gang sa natapos ang misa na buhay pa ako..isa ko pang ipinagpasalamat yun..hahah

After ng misa.. diretso uwe na din kame..at ipinagpatuloy ang bitin kong tulog..hahaha pero bago ako humiga, ngumata muna ako ng isang chocochips..heheh fav ko yan…heheh yeah.. di ako mabubhay ng ala nun..heheh zzzzzz naklatulog ako at nagising ng mag 12nn na diary…sarap.. sulet yung tulog, nakabawi..heheh tangghalian na ang inisip ko agad..bili kame ng chicken rice..hmmm yummy.. one of my fav ditong foods.,.at nagtxt na ang labidabs ko at nagchat kame ng bonggang bongga..sobrang mis ko na yung uto nay un.. kainis lang kase ala sya cam…hmmm ok lang si naman nabubura muka nya sa utak ko weh..heheh gang sa dumating ang mga ksama ko sa house, sakto may lakad daw kame..heheh ok, makakalabas din ng bahay at maarawan or should I say..mauulanan..hahah so pumunta na kame ng mall diary, bumili ng tela pang uniform at tumingin ng shoes..heheh trip na trip ko talaga magsukat ng mga shoes..nagagandahan ako sa paa ko wehh..hahah sexy..heheh gang sa nakakita ako ng cute na stepin..heheh yeah.. dagdag utang nanaman yun.. $26 syet…hahah ok lang,,. Hahah yayaman naman na ako weh..heheh at natapos ang pamimili namain at natapos yun sa pagbili ng Fun donut..heheh sarapp.kakaiba..mas malinamnam keysa kung anong donut sa buong mundo..love it..

Ayan nangyari sa buong maghapon ko diary,,alang magawa kaya sinulatan kita..kaw kamusta maghapon mo? Uso ka pa ba? Madami pa bang sumusulat syo??pag ka may time ka. Sagutin mo naman yung sulat ko wah?saka yung sulat nung ibang tao..heheh

nagmamahal,
mukay

Saturday, July 3, 2010

eclipse..tamad magwento


Yeah… after 4 days na hindi mapakali dahil sa showing ng ECLIPSE, napanuod ko na din sya sa wakas..hahah para syang birthday na inaabangan ko at sinubaybayan mula sa twilight at new moon… kelangang hindi ako mahuli..kelangang updated… nanlumo pa ako ng kaunti ng nabasa ko sa fb na ishoshowing na sya sa pinas..medyo nalungkot ako dahil hindi ako sanay manuod dito at baka maligaw ako.. naisip kong kulitin yung barkada kong abala sa pagtratrabaho…

Kanina naganap ang inaasahan ko.. nag online ako at hinihintay yung barkada ko para malaman kung ala syang duty dahil kukulitin ko nanaman sya na manuod..ayun.. nakulet naman ang lola mo, parang nagdadalawang isip pa ako kase syempre kasama nya jowa nya.magmumuka akong chaperon…at maiingget din ako.hahah  pero ipinagsantabi ko na muna yun, mas importante sakin ang makapanuod ng eclipse kesa maingget sa kanila.hahah usapan naming 3.. nag bago kase makikisabay lang ako sa tito ko so ginawa kong 2:30..game.. ala pang 2pm gumayak na ako dahil nga excited saka ayaw kong paghintayin yung tito ko kase ako lang yung makikisabay..gayak..gayak.. chat.. sabi ko. Gayak na ako.. ok.. 30mins nandun na kame sabi nung barkada ko..ok ok.. nandun na ang lola mo 3pm sakto..nahiya pa ako at late ako..hahah ala din akong phone na pwedeng gamitin dahil di pa ako nakakabili ng ginto nilang sim.. B$70 multiply mo sa P33..yun ang halaga..sempre hindi ko sasagutin yan kase math..hahah so nihatid na ako ng tito ko sa mall.. hmmm.. tamang hintay at palingon lingon ako..syet ala pa sila..so nag ikot ikot na ako sa gawi dun gang sa mapansin kong nahihilo na ako at pati yung mga nakatambay dun ehh nahihilo na kaiikot ko..tumayo nanaman ako sa usapan naming tagpuan..hmmm 30mins.,.ala pa..huhuh nagugutom na ang lola nyo..huhu hinanap ko ang hinayupak na jolibbe para bumili ng pearl cooler..yeah you read it right.. nasa jolibee ang pearl cooler hindi sa Greenwich.. nahilo na ako kahahanap ng hinayupak na jolibee.. at bumalik ako sa pinaghihintayan habang namimintas ng mga taong nakikita ko.. nawawalan na ako ng pag asa.. gusto ko ng makitxt sa guard para magopasundo sa tito ko dahil naiinis na ako,,ayaw kong naghihintay,. Pero dahil sa eclipse yun.. nawala yung badtrip ko nung dumating na yung hinihintay ko..ubos na din yung pearl cooler ko kaya si ko na sya naalok..hays.. ok.. punta kame banko.bili ng tiket yung si jowa nya.. hintay sa number sa western kase papadala ng pera yung barkada ko sa pinas..hmmm 5pm. Start ng palabas.. bili pop corn at coffee… at libre pala ang sine dito? Ang galling talaga ng mga pinoy..nalibre at nairefond pa naming yung pera naming.. hindi na pinunit yung tiket namin at pinapasok kame.. woahh..

Hmmmm eto na to.. nagstart na sya..medyo kinakabahan pa ako ng onti kahit alam ko naman na yung mangyayari..kasabay ng mga eksena ang paglantak ko sa pop corn at kape..hahah ng biglang lumabas si Jacob syett ganda ng abds at dibdib..huh.. sarap utungan..hahaha ;) pero mas love ko pa din si Edward sempre..ganda talaga.. gulat, kilig at mangha at kung ano ano pang imosyon naramdaman ko..gang sa natapos ang palabas na parang bitin pa din ako..hahah daming halikan.hahah napapalunok pa ako..hahah old school pala si Edward..kung ako nasa harap nun,, baka binira ko sya ehh..hahah after nun nagdecide na kameng kumaen..hmmm sosyal yung napuntahan naming resto..heheh ala akong maisip..kolomee na nga lang total ala daw yung buttermilk chicken.. tinanung pa kung hipon or chicken gang 6pm lang naman pala yung meal nay un..pinoy talaga oh oh.. so kaen, picture picture.. busog..ahaha ala ako sa mood magwento noh? Inaantok na kase ako kaya puro shortcut nalng..hahah at nagpasundo na ako sa tito ko..hahah mag oover night sana ako sa kanila kaya lang Sunday bukas..hmm ayun.. nakauwe..ubos din ang pera pero Masaya naman at sulet..hmmm hintayin ko ulet yung last yung breaking dawn ata yun.. gagawin pang 2 series yun..sempre alam ko na din mangyayari pero papanuorin ko pa din..sana nandito na yung asawa ko nun pag nishow nay un..heheh aruz.. nyt!

Friday, July 2, 2010

ano ka bilang isang anak?

Hmmm.. dahil emo ako at nagkasakit, matagal akong di napagblog..nakakamis pala yun lalo na sa katulad kong walang ginagawa.. actually may iniintindi kase ako. Natawagan na kase ako sa hospital na inapplyan ko..so nawalan ako ng pag asa namakakauwe ako this august.. emo nanaman ang lola nyo, pero ganun talaga. Sakripisyo. Tiis. Bute nalang at nanjan yung mga kaibigan ko at yung magulang ko at yung labidabs ko…nakakagaan ng pakiramdam pag alam mong maraming nagmamahal at sumusuporta syo..heheh emo ampupu.. ANYWAY… napagawa ako ng blog kase na mimis ko magulang ko..wet pillow nanaman ang drama ko gabi gabi..hays..

Nung nasa pinas ako at nakatambay, kasama yung mga bataan ko, nantritrip kame ng mga nagdadaan habang namamapak nung yogurt( yun parang nasa straw na manipis na may masarap na laman na iba iba ng kulay) ng biglang lumabas yung asawa ng tito ko, may ari nugn tindahan na nitatambayan namen at ipinamana ang isang mahiwagang papael, lukot lukot pa nga pwede mong gamitin na pambalot ng tinapa…hahaha.. galling daw yun sa school ng anak nya.. pinasalin salin na daw kase kaya lukot. Inabot ang mahiwang sulat.. ewan ko ba naman at bibigyan kame ng ganun, ehh mas trip naming paglaruan yung mga nagdadaan at asarin yung mga batang naglalaro..heheh so eto yung laman ng sulat:


BABALA: nagtabi ng tisyu or panyo.


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana . .. dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina. ..

So ayan na nga yung laman nung letter, actually after naming binasa isosoli na sana namin sa tita ko kase nagtagumpay sya sa pagpapaiyak samin sa gitna ng kalsada..kame ata ang napagtripan dun ahh?? Anyway sabi nya sakin, “sayo na yan, ishare mo sa iba mong mga kaibigan”.. wow. May pamana ang lola mo, isang mahiwagang papel na hindi mo alam kung sino nanggaling at kung para kanino yun.. so pumasok na ako sa hospital at nagsimulang magsilbi sa bayan ng naalala ko yung letter at ipinabasa ko sa mga adik kong kaduty… nun ko pa sana sya gagawing notes sa facebook eh kase maganda yung nilalaman nya.. ehh yung kaduty ko, hindi na naisoli sakin yung mahiwagang papel..nagustuhan kase nya yun, sabi nya ipapazerox lang daw nya pero hindi na nya isinoli ang ipinamana sakin ng tita ko..huhuhu

Sa pagkakabasa nyo ng mahiwagang sulat, for sure tao kayo at may damdamin diba? May mga narealized ba kayo?kelan nyo last nasabi sa magulang nyo ng personal na mahal nyo sila? Ako kase sa totoo lang, nahihiya ako..sa txt lang ako nagsasabi nun sa kanila..bihira pa yun kase nahihiya ako..hahah mga loko kase yun, minsan nagtxt ako tpos nag aylabyu ako, pag uwe ko mga pumalakpak..nipag tripan ako,ayun, kaya bihira akong magsabi nun.. pinaparamdam ko nalang sa kanila, alam ko namimis na nila ako. Ganun din sila sakin.lalo na ngayun palang ako nahiwalay sa kanila?sobrang hirap sakin.. hindi lumilipas ang 1 linggo na hindi nababasa ang unan ko sa luha..para na syang exercise sakin..3x a week or 6x a week, depende sa pagka emo ko.. minsan tumawag sila sa number ng tita ko,hmmm ang sama ko kase tinanggihan ko silang makausap..nung umaga nagtxt.bakit daw ayaw ko silang makausap..sabi ko sa txt ko sa kanila.. “sorry po kung di ko kayo kinausap kagabi, ayaw ko lang na puro hikbi ang marinig nyo.” Ayun, naintindihan naman nila ako at din a sila nagtampo..pero sa isip ko, gusto ko ng marinig yung boses at tawa nila, yung kwento nila, pero di ko kaya lalo na nakaharap yung ibang tao.. ayaw kong nakikita ako ng ibang tao na umiiyak…
Nakakamis din pala yung pinapagalitan ka, namimis ko na yung tampuhan naming nung tatay ko kase lagi syang nagseselos sa labidabs ko, namimis ko na yung pag gising ko ng umaga may kopiko(3in1 fav ko yan mis ko na sin)or 2 sachet ng cofeemate(kahit na meron sa garapon, gusto ko yung nakasachet ehh bakit ba) ako sa lamesa at hindi pinapakielaman ng kapatid ko yun.hahah sa gabi palang bumibili na si mame kase alam nya na yun ang una kong hahanapin sa umaga..at kapag ala yun sa lamesa..maghapon nang sira ang araw ko,.maghapon na akong may sumpong.. namimis ko yung itetext ako ng dade ko at sasabihin,”baby sugpo ulam”… namimis ko yung pag kumakandong ako sa dade ko at ikukuyakoy nya yung paa nya..kahit malaki na ako..ginagawa pa din namin yun.. namimis ko yung pag naglalakad kame ni mame, nakaakbay ako sa kanya at nakapasok yung kamay ko sa damit nya kase nang uutong ako.hahah mis ko na suso nya..hahah… namimis ko yung nanakawan ko ng load si dade kahit alam nya na pag hahawakan ko yung phone nya, ehh mag uumit ako ng load.hahah.. mis ko na yung sesermonan nila ako kase gabi nanaman akong umuwe at nakainum pa..hahah kahit nakakairita nga pala yung sermon nila, nakakamis din..lalo na ngayun at hinahanap hanap ko yung boses ng nanay ko na paulet ulet nagwewento..hahah namimis ko na yung pag umuwe ako ng bahay at good mood ako, magwewento ako ng mga pinaggagawa ko, di ko namagawa ngayun kase ala na akong mapagwentuhan..hays.. tama nga sila, na wag ng lilingon pag ihahatid ka sa airport kase baka hindi pa yun matuloy.. yun ginawa ko..after kong umakap sa kanila..tumalikod na ako..kita ko yung mata ng mame ko na lumuluha na para bang ayaw akong pakawalan sa pagkakaakap sabay talikod.. (hindi ako umiyak ahh..hindi talaga.. hindi nga basa yung tisyu ko weh) gang sa twing magtetext sila dade, laging sinasabi na si mame araw araw miiyak..hays. ramdam ko yun..gang ngayun, naka isang bwan na akong mahigit, hindi pa din matino yung pagtulog ko kaiisip sa kanila.. namimis ko yung last bonding naming ng mame ko.. bihira sya maggala..parehas kameng alang tyaga mag mall at mamili.. sabi nya, may pera ako, ibibili kita ng gamit..kahit alam kong yung pera na yun ehh hiniram nya lang, ala na akong nagawa, kelangan ko din bumili ng mga kailangan ko.. so punta kames a mall..lagi syang nakaakap sakin.. akolagi akong naka akbay,,pero di ako pwede mang utong kase maraming tao,saka may bra yung mame ko.. geh,bili kame, bonding..nung lang kame let nakakaen ng 2 sa labas..as in sobrang bihira.. Masaya naman, akala ko kase pakikielaman nya yung desisyon ko sa pag pili ng mga gamit ko.. pero hindi. At nanibago ako dun.ahah mag isa lang kase ako or kasama ko bestfriend ko pag bumibili ng mga gamit.. sempre nangingielam yun ehh. Lalo na pag medyo lumampas sa 100 yung item ikukumpara na nya yun sa palengke..haha parehas kameng kuripot..hahah pero nung araw na yun, kahit mahal yung item, ibinili nya skin.. may bag pa akong nakita na kahit hindi ko kailangan ehh kinuha nya kase napansin dawn yang ang sama ng tingin ko sa body bag.hahah.. basta saya nung bonding nay un.pag uwe ko, ikakain ko sya sa labas..mahal na mahal na mahal ko sila..sobra…

Mapadrama ata ako dun ahh.. emo nanaman ako, mis ko na sila pero kailangan kong magtiis muna.. magsisikap akong makaipon at masuportahan sila.. hindi ko to ginagawa dahil sa ubligasyon ko to, ginagawa ko to dahil gusto kong panindigan yung mga pangako ko sa kanila, gusto kong bayaran yung mga sakripisyo nila sa amin, gusto ko silang mapaginhawa, ayaw ko ng Makita yung mame ko na lumalabas ng bahay umagang umaga para maghanap ng pera na mauutangan.. ayaw ko ng Makita yung mame ko na nabibingi na dahil sa pananahi, ayaw ko na yung aalis ako nga bahay at dadating na nakaupo pa din sya sa makina nya at gumagawa ng sinelas..tutupadin ko yun unti unti..kaya ko yun.. lahat naman tayo may pangarap para sa magulang natin, di ko sinasabi na napakabuti kong anak, ako gagawin ko lang kung ano kaya kong ibigay..kung ano kaya kong ipagmalaki..hindi nga kame ganun kayaman, pero naitaguyod pa din nila kame at napalaki ng maayos.. Masaya sa loob ng bakay namin, para kaming magkakabarkada dun.. nakakamis nga yung kaming pamilya naghaharap harap sa inuman.. naalala ko pa nagkadramahan kame nun, inirecord ko pa..ya lang naiwan ko yung recorder ko,.tsk.. mis ko na sila sobra..

Sabihin nyo na ngayun sa magulang nyo kung gano nyo sila kamahal.. yung iba alang kinalakihan na magulang, maswerte kayo kung mismong magulang nyo nagpalaki sa inyo.. at kung papipiliin ako ng ibang mag magulang?hahah hindi ko ipagpapalit yung nanay at tatay ko…dahil kaya sa kanila kaya lumitaw ang maganda tulad ko.. hahaha

mukay_

Wednesday, June 23, 2010

epal...

Banas… oo banas ako.. ano mararamdaman nyo pag may isang tao na gumagawa ng issue sa inyo tapos hindi naman tugma sa sitwasyon? Yung tipong ichichika ka sa ibang tao at yung taong nipagchikahan nya ehh kakilala mo??hahah nakakainit ng ulo.. parang pinopoint out ni Ms. Epal na namangka sa dalawang ilog… na hindi naman totoo… inayos ko muna yung commitment ko ilog 1 bago ako mamangka dun sa ilog 2..ala lang, nitry ko lang para maiba naman environment ko saka para may mapaglibangan ako bago ako umalis ng pilipinas.. ok! Namangka nga ako sa ilog 2 pero hindi sabay sa pagbangka ko sa ilog 1. PERIOD. At bilang professional.. CONFIDENTIALTY sa employee at sa company ang unang unang rule.. bawal mamingwit ang nasa ilog 1 sa ilog 2. So whats your point para iwento pa to sa kabilang ilog? kaw pa naman ang gumawa ng sarili mong rule.. act as a professional, speak like professional and dress like a professional.. dahil dun naapektuhan yung relasyon ko with my co-fish..hahah  nalaman na nila na ganun nga. Di ko naman maexplain at tinatamad akong mag explain..kase ala naming dapat iexplain..dahil malinis yung ginawa kong pamamangka.. kahit namangka ako sa ilog 2, malinis naman konsensya ko na ala akong binuksan na kahit anong detalye sa ilog 2,,ganun din ang ginawa ko dun sa kabila.. meaning.. yung lihim ng isat isa..nasa akin lang..period. magulo ba? Ako man naguguluhan ehh.. at beside… ang tagal na wala ako sa mga pude nila.. tagal ko ng ala sa pinas.. tpos malalaman ko na may issue na sumisibol pala? Gosh…

Ano ba napapala mo sa paninira mo ng tao..? jan ka ba sumasaya? Yan ba dahilan kung bakit lumalaki yung suso este ulo mo?? Yayaman ka ba yan? Tatalino or gaganda? Kase kung yun dahilan.. sana nagma epal na lahat ng tao kung yun pala mapapala nila diba? So binura na kita sa list ng mga ksibigan ko, tinanggap at nirespeto pa naman kita..kahit nakakairita yung bunganga at itsura mo…pero ganun talaga.. lahat ng taong nasa paligid mo..mawawala at iiwan ka. Maging sensitive ka sa nararamdaman ng taong ginagawan mo ng issue..tsk.. yung iba below the belt na ateng..tsk tsk… di mo alam sa sobrang daldal mo., dumadating mismo sa taong ginawan mo ng maling kwento..ala ka pa atang napatunayan sakin ehh.. lahat puro salita.. lahat puro gawa-gawa.. may karma din na naghihintay sayo.. pero sa ngayun, tatahimik nalang ako… kung ramdam mong ikaw to,..lol.. I pm mo ako at sasabihin ko hinanaing mo..heheh hindi kase ako yung tipong mang aaway agad ehh… mararamdaman mo nalng kabod na may mali kang nagawa kaya ganyan kita ituring… sige.. gagayak pa ako at magsisimba.. ipagdadasal kita..mapagaling ka sana ng sarili mong gamot..

Tuesday, June 22, 2010

Mukay sa palayo?? Palasyo series..

Yan, nakacheck na ako ng bakery ko.. itutuloy ko na yung sa waitress eclavus ko dito..hahaha habang inspired ako sa sounds ng bakery ko(baking life) mas bumibilis yung utak ko magwento at magtype.. nasan na nga ba tayo??hahah parang tanga..

Itutuloy…

Tok tok tok..malakas na katok ng tita ko, may nagtxt daw at kelangan ko daw tumawag sa inaplayan ko sa palasyo… binigay ng tita ko ang phone at yung numbera t kung sino ang dapat hanapin… dahil tulingag ba ako… oo lang nasagot ko..hahah umalis ulet sya at bumalik sa opisina nya.. at ako naman?? Natulog ulet..hahahah nagising ako tanghali na ulet.. bkit daw di ko tinawagan kanina pa daw hinihintay yung call ko, sabi ko nalang ayaw nung sim sa cellphone ko, pero totoo naman yun.. sige kako tatawagan ko na..heheh ring ring,, kinakabahan ako, kase engelish nanaman ehh.. patay ako pag nag-Malay yug sasagit ng phone.. ok, tawag nalng daw ako ulet..hahah sinabi ko na ayaw akong kausapin.heheh ok na daw, yung tita ko na ang tumawag…heheh solve..sa june 15 ang repost sa palasyo.. black pants, white long sleve polo, black shoes.. ok ok fine..kahit ano pa yang isusuot na yan..ala ako lahat nun..hahah so kelangan pa naming bumili ng gagamitin ko..

Mall… I like mall naman kahit papano, malamig at madaming napipintasan I mean nakikitang kakaiba at kapuna punang tao.. ako yung tipo kase na hindi mahilig mamili, di ako mapili at mabusisi sa mga gamit or bagay na kailangan kong bilin sa mall… punta lang ako sa mall para kumain, nuod sine. Lakad onti, bili ng kailangan..yun lang..hehehe di ako yung tipo na mauubos yung oras sa pamimili ng damit or sapatos. Pag nagustuhan ko na. bili na agad..saka di ako matyaga maghanap nga design ng damit, kung anong kulay lang na trip ko dun lang ako titingin. Sukat. Bili,.tapos.. mas gusto ko pang kumaen kesa magshopping.. mall… so nagtingin na yung tita ko ng blouse, pants at shoes.. ako lang yung taga sukat then tapos ang pamimili…

1st day sa training…

Yeah. 8:30 ang sabi na nkelangan nasa palasyo na.. ibinababa ako sa gate ng palasyo.. pumasok sa maliit na room. Scanner ata ng bawat taong lumalabas at pumapasok dun..may sticker after nun at may id na agad..instant.. ang bilis..heheh parang airport din, yung gamit naming iniscan din.heheh so, hintay ako ng bus…puro pinoy ang kasabay ko, nikakabahan ako..huhuhu mag isa ko kase ala akong friends.. di ko din trip makihalubilo sa kanila…baka may h1n1 kase sila ehh…may nagtanung pa sakin.. “are you a FILIPINA?”.. sabi ko.. yes…bakit? Hahaha sablay, nakapagtagalog nanaman,.. yu n palang nagtanung ehh Filipina din.hehe patas lang..ang layo ng byahe. Grabe yung palasyo nay un..ang tagal ng byahe gang sa main palasyo..sempre sa likod kame nagdaan.. grabe yung place na yun.. nakakatakot, sa luwang, hindi mo alam kung san ka huling dumaan… gosh…

Pagpasok sa palasyo…

Wooahhhhh nasan ako? Sa lugar nila HARRY POTTER? Hahaha ganun yung kaninan ng mga loyalty( pwede ba akong magshare about dun?baka makulong ako ahh??) napakaluwang, parang kalahati ng football court ehh… ang taas ng ceiling, ang daming tables and chair…basta ang lupit.. lumulo nga ng onti yung laway ko nung pagpasok ehh..hahah kadiri..

Ok. Orientation at sandamakmak na lecture…huhuhu I hate it..para akong nag aaral ulet.. course? HRM.. daming plato, kutsara, tinidor, baso at kung anu anu pang kagaguhan.. lahat may kanya kanyang gamit at silbi sa mundo..hahah tama naman sinabi nung nagtuturo… HINDI GINAWA YUNG ISANG BAGAY PARA PANG DISPLAY LANG, LAHAT MAY GAMIT AT SILBI”… napaisip lang ako… bakit yung appendix ng tao?bakit sya inigawa?ala naman talaga yung silbi diba?? So tuloy tuloy ang lecture, nakakasagot naman ako kahit papano, at nakikitawa sa joke nya kahit hindi ko maintindihan.. interesting ang bawat sagutan at lecture gang sa tinamad na akong making at inaantok na ako, ang lamig kase.. sakin pa nakatutok yung aircon..grrrr..gang sa naglunch.. ala na talaga ako sa katinuan.. hindi na ako babalik dito kahit kalian..lalaruin ko nalang yung discussion nya.. nakakatakot yung mga rules nila.. bitay at kulong agad ang parusa..kawawa naman ako.hahah naiiyak ako dahil di ko maimagine kung panu ko buhatin yung 3 plato ng sabay sabay.. sa liit ko na to at cute?? OMG talaga..so. nagdecide ako.. ayaw ko na..

2nd day…

Ala ng 2nd day, di na nga ako bumalik ehh..hahah
Balik sa gising ng tanghali, internet, samba at mall,, nagkatampuhan pa kame ng tita ko, di ko kako kaya yun. Sinabi ko din sa tatay ko… ang bait.. naiintindihan naman nila ako.. at nag aalala nga daw sila para sakin so kung ano desisyon ko,, wala daw problema, kaya lang, wag daw akong hihingi ng pera panginum ko pag uwe ko.hahaha Natapos ang madrama at madugong training at interview na walang nakapuntahan..hahah ganun talaga… training pa nga lang di ko na kaya, dun pa kaya sa actual??heheh ako pa naman yung tipong “pag ayaw ko, ayaw ko” at “pag di ka Masaya sa ginagawa, wag ng ituloy”… hindi give up agad yung sakin.. advance lang utak ko sa mangyayari sa future.. hindi ko keri na gumawa ng bagay kahit labag sa kalooban ko… kung may gagawin ako, ayaw ko yung napipilitan lang ako…pero atlist sinubukan ko, pinakita ko na interisado ako para naman hindi madismaya yung taong tumutong sakin..kaya ayun…balik sa inip, sa depress.. pabalik balik tuloy yung sakit ko,,din a ako gumaling.grrr…ano to karma??azzar ahh!

“Pag gusto may paraan. Pag ayaw? Ayaw talaga!”
Mukay
Aka beb eng

Mukay sa palasyo?? Interview series!

Yeah, habang makaen kame kanina ng lunch (para sakin umagahan palang yun kase late na akong bumabangon,hindi na nga uso sakin ang GOOD MORNING ehh.. para akong naka high twin g medaling araw.. tumitulaok na yung manok, saka ko palang makukuha yung tulog ko, di pares nung nasa sarili akong kwarto sa talavera, isang higa palang tulog na ako kahit 9pm palang yun.hahah bangong bango kase ako sa kumot kong white na nagkukulay brown na sa sobrang tagal na hindi ko pinalalaban,,hahah nagagalit pa ako sa tatay ko pag dumadating ako sa bahay tapos makikita kong nakasampay yung mahal kong kumot,,grrrr mis na kita kumot ko, malapit na tayong magkasama muli.)haba ng open and close eclavus ko wah… anyway,,habang kumakaen kame ng lunch, napag wentuhan naming yung experience ko sa palasyo ng sultan dito sa Brunei,sabi kase ng tita ko try ko mag part time sa palasyo as waitress, 30 brunei dollar din daw yun per day katumbas ng almost 1000 petot.. sempre umoo naman ako para may mapaglibangan naman ako at hindi mainip dito sa bahay. Nisabi ko din sa magulang ko yung about dun, medyo ayaw nga ng tatay ko kase baka daw hindi ko kayanin.sabi ko naman, ok na yun para pag umuwe ako marami akong pang inum.. agad naman pumayag yung tatay ko,.hahah nakadinig ng “inum” ehh.. as if bibigyan ko sya ng pang inum nya..hahaha

So nung gabi before maganap ang interview at applyan mode, pinaayos na ng tita ko lahat ng dapat iayos..copy ng passport, picture,isusuot, kodiko sa isusulat sa reference…ok na lahat..tulog nalang ang kulang..hheheh as usual, di pa din ako makatulog at tumitilaok na ung mga manok ng parang nakaramdam ako ng antok…insomnia.. I hate this disorder…grrrrr.. kala ko gumaling na ako, eto at bumabalik nanaman… 6am-kumakatok na yung tita ko para gumayak na ako.. ok bangon, nagkape habang nagtatanggal ng muta, ala pa ganung tulog, ligo, gayak,nagmake up ng onti para hindi halata ang eye bag at blush-on para hindi halata na maputla… ok na lahat… hinatid na ako ng tito ko sa location.sa isang cute na hotel..heheh pag dating dun. Woahhh nasa PILIPINAS ba ako??hahaha ang daming tourist na mga pinoy (yeah ok pala ehh, hindi mauubos yung baon kong English).. dahil ako ay mapagmasid or mapanglait.hahaha ikot ng ikot ang mata ko… nititignan kung sino ang Malaysian at Pinoy, nagkamuka lang kase.. mapanglait, dahil naligo naman ako pero mga katabi ko mga amoy PUTOK…wouhh para akong binibira sa ilong sa lupet ng amoy..huhuh pero sanay na ata ako ngayun, pambansang amoy ata dito sa bansa na to yun ehh..hahah ang lupet, pirmis kang nakahigh… Fill-up na ng application-uhuhu eto ang pinakaayaw ko, ang magsagot ng about myself, pero dahil ubligado, sinagutan ko pa din sya gang sa makakaya ko ng biglang sumakit ang ulo ko dahil hindi ko alam kung ano yung mga year ipinanganak yung magulang at mga kapatid ko.. panic panic ang lola mo, bute naalala ko na nasa akin yung phone ng tita ko.. txt ako sa dade ko.. “ano na nga yung mga year na pinanganak kayo?txtback asap”…. Hintay.. hintay..after 100 years, sumagot na din yung tatay ko at ako ay natapos sa madugong pag fill-up… another paghihintay nanaman…mga 10 years kaming nakatayo at nagtitis sa amoy anghet na katabi ko..grrrr baka mabuwang ako pag nasa harap na ako ng nag iinterview ahh…

Dumating na ang mga magi interview,,another pila nanaman..hmmmm ok naman yung flow…mabilis kase 5 yung nag iinterview ng biglang may humiyaw… “hiwalay ang pila ng lalaki sa babae”… ok fine sabi mo weh.. ng biglang huminto ang pag usad ng mga kababaihan ng malapit na ako sa pinto ng tagumpay(pang 6 na ako sa pila) ng biglng sinabi na uunahin at priority na muna ang mga lalaki..grrrr kapang gigil, ang inet, ang sikip, ta ang baho,sa tagal kong nakatayo at katabi yung amoy anghet na indiano nay un, feeling ko kumapit na sa balat ko yung amoy nya..eiwwww… dahil sa inip, yung mga kababayan natin, may mga naisip na gimik..heheh yung iba lumabas muna, yung iba wentuhan, yung iba kantahan, yung isa jinajaming ako, as if type ko sya,kung legal lang alak dun malamang nagharap harap na kame dun at nag inuman.. kada may lalabas ng room na natapos interviewhin..pinapalakpakan nila,,hahah nag enjoy ako at nakipalakpak din.hahah parang pilipinas got talent ang dating..hahaha

Lalaki after mainterview: tapos na ako sa wakas!

Mukay kakilala yung lalaki: oki ka na? (parang bisaya yung tono nyan ahh)

Lalaki after mainterview: yis, tanggap na aku..

Babae sa likod ko bumulong: ang yabang naman nun, pnadak naman..

Ahahaha pinoy talaga.tsk.. yow.. 11 na nakapasok din sa mga room ng paghuhusga..ububo ako ng onti para di mapiyok.hahah interview na..hmmm yes lang ako ng yes.straight body at nakasmile.. pampacute daw..hehehe

Nag iinterview: so you are a nurse?

Mukay: yes.( sa isip, engot ba? Nakasulat na nga dun ehh)

Nag iinterview: what will you do if somebody is complaining about shoulder pain?

What medicine can you prescribe to him?

Mukay: im not a doctor sir so I don’t have the right to prescribe any medicine, but we can give pain reliever like paracelamol to the patient(hahah para din akong nagprescibe pala dun..hahah sablay.. ok lang di naman ako sa hospital nag apply ehh)

Nag iinterview: what if after you give pain reliever, the pain is still there?

Mukay: you can apply ointment on the affected side sir..

Nag iinterview: what if after 3hours the pain is still there?

Mukay: (gago na to ahh,. Pinahihirapan ako) I think the patient need some rest and if still the pain is not relieve by rest. You should take him to the hospital(clap clap sa utak ko.hahah)

Nag iinterview: yeah, that’s good..  (nakasmile sya ehh)

After ng walang kawenta wentang interview sakin, pinaulet nya yung phone number na isinulat ko,di daw nya maintindihan, para daw alam kung san ako kokontakin..heheh … nagtxt na ako sa tito ko, napasundo…at naiirita na ako sa lalaking jumajaming sakin sa pila gang sa paghintay sa sundo ko.hahah inaaya akong manuod ng basketball, player daw sya..hahah sorry, hindi ako interisado sa basketball player kuya sabi ko.hahah pahiya sya at nagpaalam,.. ay sige rose mauna na akong umuwe… ( what the??? Panu nyan nalaman na may rose ang pangalan ko,, nung narinig ko yung “rose” tumaas ang balahibo ko, nakakakilabot pag may tumatawag sakin dun…grrrr) may pagkamaldita talaga ako weh,., ehh ano ngayun..hahah don’t talk to stranger nga ehh, kahit ba kababayan pa sya ehh… nakauwe na ako sa wakas at mag open ng facebook..heheh nagwento ng onti sa tita ko kung ano nangyari.tatawagan nalang daw… ganun naman lagi sa mga inaaplyan.. so ayun. Natapos na ang interview series ko…mayamaya na yung sa main event…sa palasyo..heheh check ko pa kase yung bakery ko.hahah 

Mukay_
aka beb eng