Friday, July 2, 2010

ano ka bilang isang anak?

Hmmm.. dahil emo ako at nagkasakit, matagal akong di napagblog..nakakamis pala yun lalo na sa katulad kong walang ginagawa.. actually may iniintindi kase ako. Natawagan na kase ako sa hospital na inapplyan ko..so nawalan ako ng pag asa namakakauwe ako this august.. emo nanaman ang lola nyo, pero ganun talaga. Sakripisyo. Tiis. Bute nalang at nanjan yung mga kaibigan ko at yung magulang ko at yung labidabs ko…nakakagaan ng pakiramdam pag alam mong maraming nagmamahal at sumusuporta syo..heheh emo ampupu.. ANYWAY… napagawa ako ng blog kase na mimis ko magulang ko..wet pillow nanaman ang drama ko gabi gabi..hays..

Nung nasa pinas ako at nakatambay, kasama yung mga bataan ko, nantritrip kame ng mga nagdadaan habang namamapak nung yogurt( yun parang nasa straw na manipis na may masarap na laman na iba iba ng kulay) ng biglang lumabas yung asawa ng tito ko, may ari nugn tindahan na nitatambayan namen at ipinamana ang isang mahiwagang papael, lukot lukot pa nga pwede mong gamitin na pambalot ng tinapa…hahaha.. galling daw yun sa school ng anak nya.. pinasalin salin na daw kase kaya lukot. Inabot ang mahiwang sulat.. ewan ko ba naman at bibigyan kame ng ganun, ehh mas trip naming paglaruan yung mga nagdadaan at asarin yung mga batang naglalaro..heheh so eto yung laman ng sulat:


BABALA: nagtabi ng tisyu or panyo.


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana . .. dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina. ..

So ayan na nga yung laman nung letter, actually after naming binasa isosoli na sana namin sa tita ko kase nagtagumpay sya sa pagpapaiyak samin sa gitna ng kalsada..kame ata ang napagtripan dun ahh?? Anyway sabi nya sakin, “sayo na yan, ishare mo sa iba mong mga kaibigan”.. wow. May pamana ang lola mo, isang mahiwagang papel na hindi mo alam kung sino nanggaling at kung para kanino yun.. so pumasok na ako sa hospital at nagsimulang magsilbi sa bayan ng naalala ko yung letter at ipinabasa ko sa mga adik kong kaduty… nun ko pa sana sya gagawing notes sa facebook eh kase maganda yung nilalaman nya.. ehh yung kaduty ko, hindi na naisoli sakin yung mahiwagang papel..nagustuhan kase nya yun, sabi nya ipapazerox lang daw nya pero hindi na nya isinoli ang ipinamana sakin ng tita ko..huhuhu

Sa pagkakabasa nyo ng mahiwagang sulat, for sure tao kayo at may damdamin diba? May mga narealized ba kayo?kelan nyo last nasabi sa magulang nyo ng personal na mahal nyo sila? Ako kase sa totoo lang, nahihiya ako..sa txt lang ako nagsasabi nun sa kanila..bihira pa yun kase nahihiya ako..hahah mga loko kase yun, minsan nagtxt ako tpos nag aylabyu ako, pag uwe ko mga pumalakpak..nipag tripan ako,ayun, kaya bihira akong magsabi nun.. pinaparamdam ko nalang sa kanila, alam ko namimis na nila ako. Ganun din sila sakin.lalo na ngayun palang ako nahiwalay sa kanila?sobrang hirap sakin.. hindi lumilipas ang 1 linggo na hindi nababasa ang unan ko sa luha..para na syang exercise sakin..3x a week or 6x a week, depende sa pagka emo ko.. minsan tumawag sila sa number ng tita ko,hmmm ang sama ko kase tinanggihan ko silang makausap..nung umaga nagtxt.bakit daw ayaw ko silang makausap..sabi ko sa txt ko sa kanila.. “sorry po kung di ko kayo kinausap kagabi, ayaw ko lang na puro hikbi ang marinig nyo.” Ayun, naintindihan naman nila ako at din a sila nagtampo..pero sa isip ko, gusto ko ng marinig yung boses at tawa nila, yung kwento nila, pero di ko kaya lalo na nakaharap yung ibang tao.. ayaw kong nakikita ako ng ibang tao na umiiyak…
Nakakamis din pala yung pinapagalitan ka, namimis ko na yung tampuhan naming nung tatay ko kase lagi syang nagseselos sa labidabs ko, namimis ko na yung pag gising ko ng umaga may kopiko(3in1 fav ko yan mis ko na sin)or 2 sachet ng cofeemate(kahit na meron sa garapon, gusto ko yung nakasachet ehh bakit ba) ako sa lamesa at hindi pinapakielaman ng kapatid ko yun.hahah sa gabi palang bumibili na si mame kase alam nya na yun ang una kong hahanapin sa umaga..at kapag ala yun sa lamesa..maghapon nang sira ang araw ko,.maghapon na akong may sumpong.. namimis ko yung itetext ako ng dade ko at sasabihin,”baby sugpo ulam”… namimis ko yung pag kumakandong ako sa dade ko at ikukuyakoy nya yung paa nya..kahit malaki na ako..ginagawa pa din namin yun.. namimis ko yung pag naglalakad kame ni mame, nakaakbay ako sa kanya at nakapasok yung kamay ko sa damit nya kase nang uutong ako.hahah mis ko na suso nya..hahah… namimis ko yung nanakawan ko ng load si dade kahit alam nya na pag hahawakan ko yung phone nya, ehh mag uumit ako ng load.hahah.. mis ko na yung sesermonan nila ako kase gabi nanaman akong umuwe at nakainum pa..hahah kahit nakakairita nga pala yung sermon nila, nakakamis din..lalo na ngayun at hinahanap hanap ko yung boses ng nanay ko na paulet ulet nagwewento..hahah namimis ko na yung pag umuwe ako ng bahay at good mood ako, magwewento ako ng mga pinaggagawa ko, di ko namagawa ngayun kase ala na akong mapagwentuhan..hays.. tama nga sila, na wag ng lilingon pag ihahatid ka sa airport kase baka hindi pa yun matuloy.. yun ginawa ko..after kong umakap sa kanila..tumalikod na ako..kita ko yung mata ng mame ko na lumuluha na para bang ayaw akong pakawalan sa pagkakaakap sabay talikod.. (hindi ako umiyak ahh..hindi talaga.. hindi nga basa yung tisyu ko weh) gang sa twing magtetext sila dade, laging sinasabi na si mame araw araw miiyak..hays. ramdam ko yun..gang ngayun, naka isang bwan na akong mahigit, hindi pa din matino yung pagtulog ko kaiisip sa kanila.. namimis ko yung last bonding naming ng mame ko.. bihira sya maggala..parehas kameng alang tyaga mag mall at mamili.. sabi nya, may pera ako, ibibili kita ng gamit..kahit alam kong yung pera na yun ehh hiniram nya lang, ala na akong nagawa, kelangan ko din bumili ng mga kailangan ko.. so punta kames a mall..lagi syang nakaakap sakin.. akolagi akong naka akbay,,pero di ako pwede mang utong kase maraming tao,saka may bra yung mame ko.. geh,bili kame, bonding..nung lang kame let nakakaen ng 2 sa labas..as in sobrang bihira.. Masaya naman, akala ko kase pakikielaman nya yung desisyon ko sa pag pili ng mga gamit ko.. pero hindi. At nanibago ako dun.ahah mag isa lang kase ako or kasama ko bestfriend ko pag bumibili ng mga gamit.. sempre nangingielam yun ehh. Lalo na pag medyo lumampas sa 100 yung item ikukumpara na nya yun sa palengke..haha parehas kameng kuripot..hahah pero nung araw na yun, kahit mahal yung item, ibinili nya skin.. may bag pa akong nakita na kahit hindi ko kailangan ehh kinuha nya kase napansin dawn yang ang sama ng tingin ko sa body bag.hahah.. basta saya nung bonding nay un.pag uwe ko, ikakain ko sya sa labas..mahal na mahal na mahal ko sila..sobra…

Mapadrama ata ako dun ahh.. emo nanaman ako, mis ko na sila pero kailangan kong magtiis muna.. magsisikap akong makaipon at masuportahan sila.. hindi ko to ginagawa dahil sa ubligasyon ko to, ginagawa ko to dahil gusto kong panindigan yung mga pangako ko sa kanila, gusto kong bayaran yung mga sakripisyo nila sa amin, gusto ko silang mapaginhawa, ayaw ko ng Makita yung mame ko na lumalabas ng bahay umagang umaga para maghanap ng pera na mauutangan.. ayaw ko ng Makita yung mame ko na nabibingi na dahil sa pananahi, ayaw ko na yung aalis ako nga bahay at dadating na nakaupo pa din sya sa makina nya at gumagawa ng sinelas..tutupadin ko yun unti unti..kaya ko yun.. lahat naman tayo may pangarap para sa magulang natin, di ko sinasabi na napakabuti kong anak, ako gagawin ko lang kung ano kaya kong ibigay..kung ano kaya kong ipagmalaki..hindi nga kame ganun kayaman, pero naitaguyod pa din nila kame at napalaki ng maayos.. Masaya sa loob ng bakay namin, para kaming magkakabarkada dun.. nakakamis nga yung kaming pamilya naghaharap harap sa inuman.. naalala ko pa nagkadramahan kame nun, inirecord ko pa..ya lang naiwan ko yung recorder ko,.tsk.. mis ko na sila sobra..

Sabihin nyo na ngayun sa magulang nyo kung gano nyo sila kamahal.. yung iba alang kinalakihan na magulang, maswerte kayo kung mismong magulang nyo nagpalaki sa inyo.. at kung papipiliin ako ng ibang mag magulang?hahah hindi ko ipagpapalit yung nanay at tatay ko…dahil kaya sa kanila kaya lumitaw ang maganda tulad ko.. hahaha

mukay_

1 comment:

  1. ako mabait...epal?hahahaha!tama.Oras na para magulang naman ang paligayahin.ako kaya kelan?siyet!hahaha

    ReplyDelete