Monday, June 21, 2010

angels...





Angels
Para sayo…anu ang angel? Anu nagagawa at naitutulong nila sa inyo? Nag eexist ba talaga sila dito sa mundo natin? Anu itsura nila? Anu ang lengguwahe nila? Totoo bang mababait sila o minsan may nagagawa din silang pagkakamali? Bakit ang cute nila? White lang ba talaga ang uniforn nila? Para saan yung halo nila?shootan ng bala pag naglalaro sila ng kapwa nila angel? Dapat ba silang katakutan? Bakit mag dark angel? Talaga kayang may kanya kanya tayong ANGEL? Woahhh..dami kong tanung ahh, ano to exam??heheh

Angels

-A messenger. (News caster? Hehehe tagapag bahagi ng magandang balita, taga pag paalala sa mga tao kung ano ang tama at mali. Minsan sila din yung bumubulong satin ng sagot pag may exam tayo..heheh)
-A spiritual, celestial being, superior to man in power and intelligence. In the Scriptures the angels appear as God's messengers.(ahhh yun pala yun, no comment)
-One of a class of "fallen angels;" an evil spirit; as, the devil and his angels. (ahhh yung din pala yun, ang lalalim naman ng nakuha kong meaning..hahah)
-Attendant spirit; genius; demon. (wtf?demons? minsan ang angel nagiging demons din? Or ginagaya lang nila yung itsura ng angel kase ang cute nila para makapaghasik ng lagim? Hmmm susumbong ko kayu sa pulis, mga bad,gaya gaya puto maya!)
-roles of angels include protecting and guiding human beings. (yeah, naniniwala ako yan, sabi pa nga may kanya kanya tayong angel na ibinigay ni God para masubaybayan tayo. Kung pangalan ng jowa mo ay angel or angelo.. ang swerte mo kase dalawa ang angel mo.hahaha)

Angels

Minsan iba ang meaning at pagkakaalam ng bawat isa sa atin. Yung iba, tinuturing yung anak nila na angel nila, yung iba yung classmate-kase nipapakopya sila or nishashare sila ng baon na pagkaen, yung iba yung magulang nila, yung lola at lola, mga kapatid, kapitbahay, kaibigan.. Ibig sabihin lang nun, lahat tayo pwedeng maging angel sa ibang tao, hindi mo kailangang magsuot ng pakpak at mag lampin para maging angl ng ibang tao.. minsan nga di mo alam ang tingin nga iba sayo angel kase maganda ka or gwapo diba? Pero pag nakilala mo naman, daing pa si satanas sa kasamaan.. bwuahhahaha.. anyway…hindi mo kainlangang maging cute at magmukang bata para makatulong ka at masubaybayan mo ang ibang tao para maging angel ka nila… yung iba jan, kahit wala kang ginagawa para sa iba, turing nila angel ka nila..heheh yun kase may crush lang pala sayo.hah toinks… pero ingat ka din minsan sa kanila, minsan nanjan lang sa paligid yung angel, baka magulat ka at binabatukan ka na nya… di mo alam may facebook din pala yun at nagbloblog about sa mga kapatid nyang angels. ehhemmm

Angels

Totoo to wah, nameet ko na yung angel ko…walang biro, at di ko din kelangang magexplain sayo kung panu ko sya nameet. Naniniwala ako sa kanya ata alam kong iguguide nya kame.. matagal ko din syang nakasama, inalagaan at prinotectahan.. pero siguro walang talagang permanente dito sa mundo.. alam kong hindi sya tuluyang nawala sakin/samin.. nanjan lang sya sa paligid, nagmamasid, gumagabay, inilalayo ako sa kapahamakan… oo, medyo madrama ang banat ko ngayun, emo ako ehh..depress.ganun lang siguro talaga.. basta alam ko ANGEL ko na nanjan ka lang.. guide mo ako lagi sa mga desisyon at mga gagawin ko.. kung may pagkakamali akong nagawa or kung ano man yun, patawarin mo ako.. alam mong ginawa ko lahat, pero mukang hindi pa talaga oras para makasama kita/namin… pero hindi kita mawawala sa isip at damdamin namin..mwuahhh


Angels
Hmmm ang dami kong tanung kanina sa taas, di ko din naman masagot.grrrr. anyway isa isahin nalng natin,.yung hindi ko masasagot, pakipass nalang sa harap yung sagot..hahaha

Para sayo…anu ang angel?

-para sakin, sila yung taong pwedeng may pakpak or wala, sila yung mga baby na hindi mapalad na naisilang dito sa mundo at ginawanang taga guide ng mga tao, sila yung mga taong napagsasabihan mo ng problema, nauutangan hahaha, nakakahalubilo sa araw araw, sila yung walang sawang nagmamahal at sumusubaybay syo. Sila yung naniniwala at nagtitiwala syo. Sila yung angel mo..

Anu nagagawa at naitutulong nila sa inyo?

-minsan di mo alam na nanjan sila, hindi mo sila napapansin, prinoprotektahan ka nila sa bawat galaw mo.wag ka mag alala, hindi naman sila stacker or multo ehh..

Nag eexist ba talaga sila dito sa mundo natin?

-para sakin. Oo, di mo kelangang Makita ang isang bagay o tao para mapatunayan na nag eexist sila..nararamdaman yun.. minsan nga yung ibang tao nag eexist-pero dinedeadma mo lang dib a? kahit na sinasaktan mo sila, di pa din sila lumalayo sayo.. minsan dapat maging sensitive ka sa nararamdaman nila, malay mo sya pala yung angel mo..

Anu itsura nila? Anu ang lengguwahe nila?

-sa nakikita kong picture nila.mga cutie cute cute sila na maty pakpak at may alambre sa ulo..heheh yung iba hubo, yung iba nakalampin.heheh pangkalamitan puro baby sila..heheh malay mo din marunong sila ng gay lengua..hahaha or jejemon sila magtxt..hahah(non sense)

sa isang pirasong tissue sagutin ang mga tanung sa itaas na hindi ko nasagot at ipasa sa harapan ng tahimik.bawal mangopya, ang mahuli, sasapukin ng angel nila..


Guide as always..i love you my angel.
Mukay Alcantara
Aka beb eng

1 comment:

  1. angel...paborito kong angel ay angel of death.pangarap kong pumalit sa pwesto nya at mangalawit!bwahahahahaha....la lang

    ReplyDelete