Sunday, June 20, 2010

facebookers!

Facebook

Farmville & other games

Hmmmm interesting.. daming naadik., yung tipong hindi makatulog or di mapakali pag hindi nakapag check ng account nya sa isang araw..hahah dati yung friendster lang kinaadikan ng mga kabataan saka yung dota at counter strike.hahah well, gumagalaw ang panahon,parang inililipad nalang ang oras at teknolihiya. Kasabay ng mga makabagong gadget na lumalabas. Cute nga ehh, kase pati mga hayop may facebook account.hahah as if nakakapag computer naman sila… adik din yung mga amo ng mga yun. Mga walang mapagtripan. Mga adik sa facebook. Ahahah pero wag ka, isa din ako sa milyon-milyong tao na adik sa facebook na hinayupak nay un.ahahha well hindi naman talaga ako interisado dati dun, pero dahil uso at hindi ka “in” pag ala kang account dun..jahe din pag may nagtanung sayo.. may facebook ka? Ayyy ala ehh.. “bakit, hindi ba uso facebook sa lugar nyo”hahaha sarap tadyakan ng hinayupag nay un.hahaha pero eto na nga,naadik na ako dun, ala ng magagawa.. ang cute kase ng mga application dun at nakakatuwa yung mga games nila.. dati ang nilalaru ko lang FARMVILLE-as in gumagamit pa ako ng credit cards para makabili ng mga new hauses dun.pabonggahan ng farm, padamihan ng bahay. Hanggang sa hindi ko na naopen yung account ko, sabi “suspicious payment” ampupu saying yung dinesign naming ng lovidovs ko dun sa farm ko, almost 4hours naming pinaghahalinhinang gawin yun.hahah maghapon akong badtrip, naiiyak iyak pa ako ng onte.so, sobrnag depress ko at sa kagustuhan kong makahabol sa level 40 at sa mga inaangasan kong neighbor, gumawa ako ulet ako ng account..sempre dahil sa makulet ako, gumamit ako ulet ng credit cards.hahah so maganda na ulet yung farm ko, nabuhayan nanaman ako ng loob, may maipagyayabang nanaman ako.hahaha pero sempre back to zero nanaman ako, niinvite ko ulet yung mga friends ko sa luma kong account,sinabi ko nawala yung account ko, baka kace may magtampo at dinelete ko sila.may mga nagtxt ka kung bakit nawala yung account ko weh.. well anyway.. ayun isa na mga akong adik sa facebook.. so ngayun na nagbakasyon ako dito sa Brunei-dahil sa inip at walang magawa, at dahil na din sa lungkot.. lahat na ata ng games nilalaro ko na, nauubos yung oras ko sa paglalaro sa mga cute na application, lahat ng bagong Makita ko sa wall, lahat nitrytry ko. Happy pets-yeah mga kuting, dedesign ka ng bahay nila, papakainin, lilinisin yung pinagtaihan nila, itratrain mo sila at dapat lalaruin para HAPPY PETS.hahah next… TIKI RESORT-ok lng naman, gagawa ng sariling resort, design mo, upgrade yung mga bldg at mag cocollect ng pera.hahaha BAKING LIFE-interesting, magbabake at magdedesign ng bakery, para syang CAFÉ WORLD(dati nilalaro ko, pero dahil mabagal mag open at hindi ako matyagang maghintay, hindi ko na inopen ulet,)NIGHT CLUB-yeah.. mga mahilig sa bar, sa alak sa party party,, yan trip ko yan, may mga artista pa na dumadalaw sa club.kaya lang ang hirap magpalevel so hindi ko na din nilalaro saka ang bagal magload,ehh mainipin nga ang lola mo, so chugi na sya sa list ko.hahah FRONTIERVILLE-para syang Farmville na TREETOPIA- may quest at the same time magtatanim ka din.hahah wow, daming games, nakakalito na nga ehh.. tama na yung games na yan..hahah

Pag usapan naman natin ang STATUS

Ahaha pabonnggahan ng mga WHATS ON YOUR MIND..hahah pabonggahan din ng mga quotes, kung ano nararamdaman, nagpaparinig sa mga kaaway nila, nagsasabi sa sweet nothings sa mga lovidovs nila, brinobroadcast yung mga ginagawa nila, kung nasan sila at kung ano yung pinapakinggan nilang kanta.hahah minsan nakakaparanoid na din ehh.. parang yung iba pinatatamaan ka sa mga sinasabi nila, yung iba ginagawang chatbox yung comments.hahah mga pangkulet lang.heheh yung iba pag may kaaway dun bunubuhos yung sama ng loob.. hoy! Kung matapang ka… i-wall to wall mo!! Hahaha yung iba naman, ala lang, tamang papansin lang.hahah pero the best pa din yung mga photo album.hahaha

Dun mo din makikita yung mga bago mong kaibigan, mga ex, mga kaaway na din, mga luma mong friend at yung mga alaga nilang hayop..hahaha hindi na nga uso yung photo album ngayun ehh, lahat sa facebook at Friendster na nakalagay… cute nga ehh. Bute alang WHO VIEW’S ME..heheh kase for sure madaming magkakaaway tungkol jan.mga nakikichismax sa mga ginagawa ng mga friend nila.. kung friendly ka, lahat ng nag aadd sayo niaaccept mo, kung kamuka kita, medyo suplada kase ako, pag di ko kilala, di ko niaacept, at bihira din ako mag add ehh. Ako yung niaadd nila.haha maldita.. CHAT-yeah. Di kapares ng Friendster, mas sosyal ng onti to kase may chat kagaya ng MYSPACE. Dito nagchichismisan yung mga kupal. Kahit magkasagutan na sila sa chat box ng comment, nagchichismaz pa sila ditto..wehh mas ok, tipid, kesa gumamit ka pa ng load.hehehe anyway-nasusunog na yung niluto ko so bye na muna., add nyo ako..hahah

panu mo malalaman na fb addict ka na? eto po ang ilan sa batayan, pwedeng totoo, pwedeng alang wents lang.

1.pag natulog ka, napapanaginipan mo na isa kang magsasaka, at gigising ka at mag oopen ng farmville mo kase baka nabulukan ka ng tanim.

2. sa harap ka na ng monitor kumakain, nagsusuklay, nangungulangot, umiihe at tumatae, at worse, nakakatulog ka na din.

3.pinagpapaliban mo yung date mo, or pag sisimba, pag punta sa interview dahil may time ka ng ani mo,hahah

4. di ka na nakakagawa ng asignment mo

5.lagi na kayong magkagalit ng jowa mo kase hindi mo agad sya narereplyan kase may kachat kang iba.hahah

6.mahal na yung bayad nyo ng kuryente at internet bills

7.di ka na nagmimiryenda-ipang iinternet shop mo nalang yung pangkaen mo

8.ringtone, wall paper at themes ng phone mo ehh farmville..hahaha (parang ako lang yun ahh..???)

9.updated ka kung ano usong music video or nakakatuwang video at mga spoofs

10.alam mo latest chikka ng madlang people


Payo nga pala.. dapat kase sa hulihan ng blog may payo.hahah mas cool pa din kung gigimik kayo sa mga friends nyo keysa sa chatting lang. mas ok din kung magtatanim kayo sa bakuran nyo ng eggplant.may ulam pa kayo.hahah mas ok din kung sasabak kayo sa sport, magiging healthy ka pa at hindi lalapad pwet mo kakaupo sa harap ng computer..bow!

Mukay alcantara
Aka.beb eng

No comments:

Post a Comment